Laman na rin ng kalsada ngayon ang grupo ng mga motorcycle drivers o kilala sa tawag na mga riders. Ang mga ito ay grupo ng drivers na sabay sabay lumalarga sa daan.
Pero, hindi lang puro harurot sa daan ang kanilang kayang gawin dahil ang mga motorcycle riders mula Ilocos Norte ay kinayang makapagpatayo ng bahay.
Nakapagpatayo ng bagong bahay ang mga riders ng Barangay Maab-abaca, Piddig, Ilocos Norte para kay Feliciano Domingo, 88 years old na kanilang nakita sa isang relief operation noong Mayo.
Kung titignan, luma at tagpi tagping bahay na gawa sa mga kahoy at yero ang tinitirhan ni lolo kaya naman minabuti ng mga riders na gawan siya ng bahay sa pamumuno ni Dhoodz Pajita, pangulo ng ADJO Moto Club.
Hindi lang sila naglikom ng pera para sa pagpapatayo nito dahil sila pa mismo ang gumawa at nagtayo nitong bahay sa loob ng 12 days.
Pinagtulung tulungan nila ito para agad itong matapos at maitayo.
Mayroon din itong napakagandang sala at kusina na magiging komportable si lolo na tumira dito.
Saludo naman ang mga netizens sa mga riders na tumulong kay Lolo dahil sa kabutihang loob na ipinamalas nila:
“Saludo po ako sa mga tulong kay lolo.. Wala po ba syang kamag anak kawawa naman mag isa lang sa buhay na mimiss ko lolo ko bigla..”
“SALUTE!!! S MGA TUMULONG KY TATAY.NAPAKABUTI PI NG PUSO NYO.
GOD BLESS PO.KEEP SAFE EVERYONE”
“Sa lahat ng tumulong kay tatang napakabuti ng Mga puso nyo! Marami pa sanang blessings dating sa inyo!!! ” “Patuloy po kyong pagpapalain ng Panginoong Diyos kyong mga motorcycle riders na nagmalasakit sa lolo na pinatayuan nyo ng bahay… Napakabuti ng kalooban nyo… God Bless you all… Salamat sa Diyos…”
“marami sa mga riders ang may ginintuang puso! hi di sila mayayaman, may humanitarian spirit lng talaga sila. God bless you all riders!!!”
The post Isang Lolo na mayroong tagpi tagping bahay, pinagawan ng maayos na bahay ng grupo ng mga motorcycle riders appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments