Ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga masasayang pangyayari ng isang magulang. Tinuturing ng mga magulang bilang kanilang kayamanan ang kanilang mga anak. Lalo pa at tama ang pagpapalaki at masunurin ang mga ito.
Kaya ng malaman ni Jinkee Pacquiao ang muling pagdadalang tao ng kanyang Twin sister na si Janet Jamora ay proud na proud niyang ibinalita sa publiko ang tungkol dito.
Sa kanyang Instagram post na may caption na, “Congratulations sa akong kambal… God is good!” gamit ang hashtag na #12weekspregnant
Bago pa man magpost ang wife ng people’s champ na si Manny Pacquiao, ay nag post na din si Janet Jamora sa kanyang Instagram habang may picture siya na pinapakita ang kanyang baby bump gamit ang parehong hashtag.
Umulan naman ng pagbati ang comment sections sa netizen at ilang mga kasama sa industriya ng showbiz kagaya ng aktres na si Yasmien Kurdi, ang komedyante na si Rufa Mae Quinto, ang makeup artist na si Denise Ochoa, at ang fashion designer na si Patricia Santos.
Ang asawa naman ni Janet Jamora na si Steve Jumalon na nakilala natin bilang dating housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Double Up, ay nag post din ng ultrasound video sa kanyang Instagram account upang ipaalam ang magandang balita sa kanyang mga followers.
Nag-iwan naman ng komento ang grand winner sa PBB-Double up na si Melai Cantiveros ng ganito, “Congratulations, Papatibs at Ms. Janet.”
Hindi lang ang kapwa mga artista ang naging interesado sa balitang ito, maging ang taong bayan ay pinag-uusapan ang patungkol sa pagbubuntis ni Janet.
Tunay nga na patuloy na lumalaki ang kanilang masaya at munting pamilya. Naniniwala ang karamihan na lalaki ang kanilang mga anak ng mabuti, responsableng anak, at may takot sa Diyos.
The post Jinkee Pacquiao, kinongratulate ang kanyang kambal na si Janet Jamora dahil ito ay 12 weeks ng buntis appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature

No comments