Ngayong Hunyo, isa sa mga pumutok na balita at kinumpirma na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at CEO ng Beautiful Destinations na si Jeremy Jauncey ang kanilang relasyon.
Marami nga naman ang natuwa at talagang naging masaya para sa kanilang dalawa. Kaya naman, sa isang panayam kay Pia ay ikinuwento ang kanilang ligawan stage.
Ayon kay Pia, talagang sinabi niya kay Jeremy na kultura sa Pilipinas ang panliligaw.
“Baka kasi matawa kayo at hindi kayo maniwala pero medyo old school kasi ako. In-explain ko sa kanya na sa Pilipinas sa culture natin ay mayroong courtship. In-explain ko sa kanya ‘yon at sobrang game naman siya. Game siya at ni-respect naman niya ‘yon. So nag-take kami ng time na magkakilala kami,” kwento ni Pia.
Kaya naman, lumalim ang kanilang samahan at mas nagkakilala silang dalawa.
At malamang ay nagtanong tanong din si Jeremy sa kanyang mga kaibigang Pinoy.
“Sa Western culture kasi parang bigla na lang na nagiging kayo, basta alam niyo na lang na kayo na parang ganoon. With him, he was very respectful and he waited. And then, naghintay siya ng right moment to ask,” saad pa ni Pia.
Saad pa ni Pia, marami silang plano lalo na ngayong 2020 gaya ng pagtatravel at kanilang pagkikita sa Pinas at New York.
“Akalain mo ‘yon itong 2020 maipu-push ko pa pala ang love life. Well maraming mga plano na put on hold. Dapat magkikita kami. Dapat pupunta siya dito sa Pilipinas. Tapos dapat magkikita rin kami sa New York,” dagdag pa ni Pia.
Pero dahil sa kr!s!s ngayon, inisip nila na maaaring di na muna sila magkikita.
“Pero we are looking foward to seeing each other naman kapag natapos na lahat ito. Sana soon. Pero kung hindi pa naman soon, okay lang din basta make sure na safe lahat bago kami mag-travel, kumilos at magkita,” paglalahad pa ni Pia.
Makikita din naman sa IG nilang dalawa lalo na ni Jeremy na miss na miss na nila ang isa’t isa.
Sa latest post ni Jeremy, makikita ang post na may caption “Weekend Vibes”. Sweet na sweet nga naman ang dalawa habang yakap yakap nila ang isa’t isa.
Maraming netizens nga naman ang suportado at masaya para sa kanilang dalawa.
The post Kilalanin ang hot guy na dinidate ngayon ni Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature

No comments