Bawat isa sa mga aktor o aktres ay may ginagampanan na role sa kanilang mga teleserye o pelikula. Ngunit sa likod ng kamera, ano nga ba ang tunay nilang ugali at paano ba sila makisama? Dahil nga nagimplement ang ating gobyerno ng Enhanced Community Quarantine sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, karamihan sa mga tao ngayon lalo ng mga artistang ating napapanood ay pumasok na din sa mundo ng Youtube at naguupload ng iba’t ibang content o mga challenges.
Dahil dito, mas nakikilala pa natin sila at nagkakaroon ng kaalaman kung paano sila mamuhay kapag nasa likod na ng kamera.
Isa si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga pinaka aabangan sa Youtube dahil marami ang natutuwa sa kanyang pagbabahagi ng kwento tungkol sa kanyang mga anak, pagiging nanay, at kasama rin rito ang latest video niya ng makipagpalit siya ng role sa kanilang kasambahay na si Mama Erna. Sa loob ng siyam na taon, ay kasambahay na nila Mariel si Mama Erna kaya naman pinagkakatiwalaan na talaga nila ito.
Sa kanyang video, tinanong ni Mariel ang mga viewers kung sino ba ang best actress sa kanilang dalawa. In character talaga si Mama Erna dahil talagang pinapagalitan si Mariel kapag siya ay nagkakamali.
“Luto na pala yung pagkain ko, hindi mo man lang ako tinawag. Alam mong gutom na gutom na ako. Grabe ka naman,” sambit ni Mama Erna.
“Galingan mo pa Erns. Ikaw si Ma’am, ikaw si ma’am! Magalit ka, magalit ka!” sagot naman ni Mariel na todo todo din ang pag acting.
Sa kabilang banda, bilang isang kasambahay ay naghanda si Mariel ng pagkain, naghugas ng mga plato, at ginawa talaga ang role ng isang kasambahay. Naligo pa sa pool ang kanyang amo, nagpakuha ng buko, at nagpa masahe pa sa may likuran na ginawa naman ni Mariel.
Ibinahagi naman ni Mariel ang kanyang realizations habang naka in character sa pagiging kasambahay, ayon sa kanya, “I was Erna and mahirap because number one, mainit. ‘Yun ang number one na k@lab@n, mainit,” habang tinutukoy ang uniform.
“Tapos hindi pa tapos ‘yung isang task, may isang task na naman na kailangan gawin so kailangan talaga mabilis ka. Kailangan gamay mo lahat,” dagdag pa nito.
Mahalaga na makita natin ang importansiya ng bawat trabaho na ating kinabibilangan, patuloy nating tignan na pantay pantay ang mga ito at magbigay respeto sa lahat, mapa anuman ang posisyon sa buhay.
The post Mariel Padilla, ginawa ang “Switch Lives Challenge” sa kanilang kasambahay na si Erna na kasama nila ng 9 na taon appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments