Isa sa mga nakahiligan ngayon ng aktor at politician na si Richard Gomez ay ang gardening sa kanilang bahay. Makikita noon sa kanyang mga previous vlogs ang pagtatanim ng mga iba’t ibang mga gulay sa kanyang bakuran.
Sa nakaraan din niyang video, ay makikita naman ang pagpitas niya ng kanyang mga fresh at sariling aning gulay. Niluto pa niya ito at ibinahagi sa atin.
Ngayon, may bagong recipe na ibinahagi si Goma sa atin. Ang kanyang sariling recipe ng itlog na “Omelette With Malunggay And Caramelized Onion”.
Healthy recipe nga naman talaga ito dahil ang mga ingredients ay mga gulay lalo na ang malunggay. Ang mga malunggay ay freshly picked pa sa kaniyang sariling bakuran.
Para umpisahan ang recipe, kailangang alisin ang mga dahon ng malunggay sa stem nito at hugasan ang mga ito.
Mag chop ng sibuyas at ilagay ang mga ito sa pan na may olive oil. Kapag ang mga sibuyas ay na caramelized na, isunod ang malunggay.
Kapag luto na ang mga ito, ay isunod na ang scrambbled eggs. Gumamit ng pinggan para ibaliktad ang itlog at maluto ang kabilang side nito. Tapos nito, ay ready to eat na ito. Takam na takam naman ang mga netizens sa lutong ito.
Narito ang mga komento ng mga netizens: “Malunggay is one of the most expensive vegetables here in Toronto and look how rich you are just in your backyard. 100 % Organic, i bit that’s one of the secret of ms Lucy for staying beautiful … always.”
“You’re probably one of my favorite celeb vloggers already! It’s ironic that you are the head of the city, yet, you’re teaching us how to be practical in cooking. Yung pipitas ka lang ng malunggay sa backyard nakakatuwa po! Keep it up, Mayor! ”
“This recipe is good for breastfeeding moms too. Malunggay boosts milk supply. A must try for people na nag ke-keto diet, too. Nice one, boss Goma. ” “Underrated Cooking Channel. Hopefully you’ll have 500k subscribers by the end of the month! I always make sure to watch all videos that you upload! Mabuhay kayo Sir Goma! ”
The post Richard Gomez, ibinahagi ang kanyang simple ngunit napakasustansyang niluto na Malunggay with caramelized Onion omellete appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments