Bago ang present, nariyan ang past. Sabi nga nila, hindi mabubuo ang kasalukuyan kung wala ang mga nakaraan. Kaya naman, minsan ay hindi natin maiwasan na magungkatan ng past lalo na ng mga past relationships o mga naudlot na relasyon.
Iyan ang isa sa mga naging topic at napag usapan sa virtual birthday celebration ng aktres na si Carmina Villaroel noong August 15.Sa usapan, maririnig na muntikan na palang naging magkasintahan si Carmina at ang kanyang kasamang aktor na si Piolo Pascual noong panahon ng teleseryeng Esperanza na pinagbidahan ni Judy Ann Santos taong 1997 hanggang 1999.
Tila napagusapan at nabalikan ni Carmina at Piolo ang kanilang kwento habang nagkukwentuhan sa selebrasyon. Bigla pa ngang sabi ni Piolo, “Close ba tayo? Sabihin mo sa kanila.” Sumagot naman si Carmina,“Close tayo. Super close tayo. Sa sobrang close nga, muntikan na kaming maging kami! O, ano?”
Pero, kahit hindi nagkatuluyan si Piolo at Carmina ay mayroon namang napuntahan at nagkatuluyan sa mga double date nila noon.Ngayon, ay mag-asawa na ang kuya ni Piolo at ang best friend ni Carmina na si Tessie at may mga anak na.
“I think, tayo ang naging tulay. If not for us, they wouldn’t had been able to meet each other and be husband and wife,” banggit ni Piolo.Tila hindi pa nakuntento si Piolo at sinabing“Pero dapat tayo, di ba? Umamin ka,” na sinagot naman ng aktres ng, “Na ano, anong aaminin ko. Hindi. Ito kasi, eh, kulang na lang ako lumigaw diyan, eh.”
Hindi naman na ito pinatuloy ni Carmina at sinabing hanggang doon na lang. “Okay na. Hanggang doon na lang ang Esperanza days. Hanggang dun na lang,” sambit naman ni Carmina.Masarap mang balikan ang nakaraan pareho na rin namang masaya si Carmina at Piolo sa kanilang kanya kanyang buhay ngayon.
The post Carmina Villarroel,sinabing sa sobrang close nila noon muntik nang maging sila ni Piolo Pascual appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments