Isa sa mga childstars na inabangan natin noon ay ang napakagaling na si Xyriel Manabat. Bata pa lang si Xyriel, nagpamalas na siya ng kanyang angking galing sa pag-arte. Talentado nga naman talaga si Xyriel kaya no doubt na isa siya sa mga batang tumatak talaga sa mga netizens at mga fans.

Nakilala si Xyriel nang siya ay sumali sa Star Circle Quest taong 2009 na kung saan siya ay naitanghal na third runner-up sa naturang reality talent search. Mula noon, sumabak na si Xyriel sa iba’t ibang mga teleserye at pelikula gaya ng Agua Bendita, Rubi, Noah, at 100 Days To Heaven.

Marami tuloy ang napapaisip kung saan na nga ba si Xyriel ngayon. Napakabilis nga naman ng panahon at ngayon ay talagang teenager na si Xyriel.

Kamakailan lang ng siya ay nagtapos sa high school. Pinost ni Xyriel ang kanyang graduation pictures na pinuri ng mga netizens at namiss nga daw nila si Ana Manalastas, ang role ni Xyriel sa 100 Days to Heaven.Ngayon naman, ay may ibang mga netizens ang nakapansin kay Xyriel at ang kanyang role bilang Momay ang namiss nila.

“Dalaga na si Momay!,” saad ng isang netizen.Matatandaang ang last TV appearance ni Xyriel ay noong 2017 bilang batang Ivy Aguas na pinagbidahan ni Maja Salvador sa Wildflower.
Narito naman ang mga komento ng mga netizens na talaga namiss si Xyriel.

“Ganda na napapanood nmin ulit sya sa 100 days bilang little madam Anna.galing ipagtuloy Sana Ni Xyriel Ang acting career nya.””Congrats Xyriel,di lahat ng batang nag aartista,eh nakapag aaral at nakakatapos.””Wow dlaga kana …tanda q pa nung pinagbubuntis q yung bunso q.. Unang kita q sayo sa t. V… Ngandahan aq sa name mo kaya ganon din pinangalan q ky Xyriel Pelaez hehe”
“for me even she’s a childstar….Hands down… the way she portray as Anna Manalastas…she deserve a best actress award for her performance…..””CONGRATULATIONS to you dahil graduate kana.Galing mong child actress sa 100 days to heaven.GOOD LUCK sa bagong serye ng buhay ni Ana Manalastas,keep safe always ganda
”
The post “Dalaga na si Momay!” yan nga naman ang sabi ng mga netizens kay Xyriel Manabat nang makita ang kanyang mga bagong larawan sa kanyang IG account. appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments