Home Top Ad

Responsive Ads Here

Isa nang napakagandang dalaga ang batang gumanap na anak nina Sergio at Marimar noon

Share:

Sino ba ang hindi nakakakilala sa sikat na teen actress ngayon na si Francesca “Cheska” Salcedo? Sa kanyang angking ganda at galing, siya ay nakilala sa kanyang talento at gumanap bilang Norilyn sa teleseryeng “Kambal, Karibal”.



Credit: Chesca Salcedo instagram

Pero, baka naisip niyo na tila hindi na bago ang mukhang ito sa telebisyon.Hindi na nga talaga siya bago dahil bata pa lang siya ay lumalabas na siya sa mga palabas sa TV. Isa sa mga ito ay ang kanyang role bilang “Cruzita” sa seryeng Marimar ng GMA na pinagbidahan ni Marian Rivera at Dingdong Dantes. Talaga namang pinagusapan at inabangan ito ng madla.

Credit: Chesca Salcedo instagram

Matapos ito, marami na rin siyang proyektong nagawa. Gaya na lamang ng Pinoy version ng “Rosalinda” na gumanap siya bilang batang Fiedra na noong lumaki ay si Katrina Halili.

Credit: Chesca Salcedo instagram

Bukod pa riyan, siya din ay gumanap bilang Sugar Ferrer sa Trudis Liit at Binayaan sa seryeng “Amaya”.



Credit: Chesca Salcedo instagram

At kay bilis nga naman ng panahon, taong 2014 nang siya ay dalaga na. 16 taong gulang siya noong siya ay maging bahagi ng medical drama na “Obsession” ng TV 5. Dito niya nakasama sina Bianca King at Neri Naig.

Credit: Chesca Salcedo instagram

At noong 2015, ito na nga ang kanyang big break ay ang kanyang role sa Kambal Karibal.

Credit: Chesca Salcedo instagram

Bukod dito, pinasok na rin niya ang pelikula na kung saan siya ay gumanap sa pelikulang “Black Lipstick” bilang si “Chelsea”. Kaya naman, nahasa na talaga siya sa kanyang talento.

Credit: Chesca Salcedo instagram

Sa ngayon naman, isa sa mga kinagigiliwan ni Cheska ay ang patok na patok sa lahat na “Tiktok”. Kaya naman, sa mga Tiktokers ay pwedeng pwede niyong i visit o i follow @cheskasalcedo. Maging sa Youtube ay mayroon din naman siyang account dito.

Credit: Chesca Salcedo instagram




Isa din sa mga gusto ng mga netizens sa kanya ay ang kanyang fashion statement na parang kanyang mga K-pop idols na talagang nakasunod sa uso.

The post Isa nang napakagandang dalaga ang batang gumanap na anak nina Sergio at Marimar noon appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

No comments