Home Top Ad

Responsive Ads Here

Katrina Halili, tinurang ang kanyang anak sa gawaing bahay at sinabi na ayaw nyang lumaking “Senorita” si Katie

Share:

Responsibilidad ng isang magulang na maturuan ang kanilang anak na maging responsableng bata hanggang sa paglaki nito. Kaya naman, para sa aktres na si Katrina Halili ay talagang pokus siya sa kanyang pagiging ina sa kanyang anak.



Source: Katrina Halili Youtube

Ayon kay Katrina, ayaw niya na lumaking mala “senyorita” ang kanyang anak na si Katie. Kaya naman, habang bata pa ay sinasanay na niya at talagang tinuturuan niya ito sa gawaing bahay.

Source: Katrina Halili Youtube

Tutok talaga si Katrina sa kanyang anak lalo na ngayong panahon ng quarantine na mas marami ang kanyang oras para maturuan ang anak at family bonding na rin.

Source: Katrina Halili Youtube




“Natuturuan ko po siya na tumulong siya sa akin dito. Like paggising niya nagpo-fold siya ng bed niya, tapos naghuhugas siya ng sarili niyang plato, nagwawalis siya ‘pag may kalat siya. Nagma-mop kapag may kalat siya, nagma-mop kapag may kalat siya,” kwento ni Katrina.
Tulad ng ibang mga bata, nagagawa din ni Katie ang mga trabaho sa bahay gaya ng pagwawalis at paglilinis.

Source: Katrina Halili Youtube

“Nauutusan ko siya, actually tini-train ko siya. Ayoko po siya lumaki na senyorita, baka mamaya tubig lang hindi pa magawang makuha, ‘di ba? So gusto ko lumaki po siya na marunong po siya sa buhay niya,” dagdag ni Katrina.

Source: Katrina Halili Youtube

Isa sa mga nakakabilib na post ni Katrina ay ang larawan ng kanyang anak na ginagawa ang mga gawaing bahay na ito. Mula sa paglalampaso ng sahig, pagpupunas sa hagdanan at paghuhugas ng pinggan.

Source: Katrina Halili Youtube

Masaya naman si Katie sa kanyang ginagawa lalo na at dito sila mas nagiging close ng kaniyang mommy. Naging mother and daughter bonding na nila ang paggawa ng mga gawaing bahay.

Source: Katrina Halili Youtube

Naging hilig naman ni Katrina ang pagbabake at pagluluto sa bahay lalo na ngayong community quarantine. Samantala, abangan naman si Katrina sa kanyang GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, na kung saan magkakaroon ito ng recap simula Lunes.



Source: Katrina Halili instagram

 

The post Katrina Halili, tinurang ang kanyang anak sa gawaing bahay at sinabi na ayaw nyang lumaking “Senorita” si Katie appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

No comments