Masayang masaya talaga ang komedyanteng si Kiray Celis sa kanyang buhay pag-ibig. Ilang buwan na rin sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.
Masasabi mo nga namang perfect match talaga ang dalawa dahil makikita sa kanilang mga IG posts ang mga palitan ng kanilang mensahe at mga surprises nila sa isa’t isa.
Matatandaang noong minsan ay sinorpresa ni Stephan si Kiray ng walang okasyon o dahilan. Makikita ang mga bigay niyang mga regalo lalo na ang napakalaking stuffed toy na talagang nagpakilig kay Kiray.
At ngayong malapit na ang kaarawan ni Kiray, siguradong may p@sab0g si Stephan para sa kanyang nobya. Kaya naman, kahit sa susunod na linggo pa ang kaarawan ni Kiray, naikwento na niya kung ano nga ba ang regalo ni Stephan para sa kanya.
Sa katunayan, mismong si Stephan ang nagtanong sa kanya kung ano nga ba ang gustong regalo ni Kiray sa mismong kaarawan nito.
Sagot naman ni Kiray, isang gold necklace ang gusto daw niyang regalo sa kanyang birthday. Pagbibiro pa ni Kiray, di na daw siya t@l0kung maghiwalay sila.
“Ano daw gusto kong regalo sa birthday ko? Sabi ko gold na necklace. Para pag naghiwalay kami, di ako talo. Masasanla ko. Dun tayo sa praktikal at sigurado HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sa @tindera_ng_alahas siya nag order! Legit po sila. Follow niyo po sila. 
,” kwento ni Kiray.
Nabili ni Stephan ang napakagandang kwintas na ito sa Tindera ng Alahas na talaga legit ang mga tinda dito, pahayag ni Kiray.
Napaka thoughtful at galante nga naman talaga ni Stephan kay Kiray kaya talagang napaka blessed nila sa isa’t isa. Pero siyempre, bonus lang naman ang lahat ng iyan.
Ang mas mahalaga ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ito ang mas magpapatibay sa relasyon na siyang magiging pundasyon ng kanilang pag-iibigan. Hindi ito tungkol sa materyal na bagay kundi sa tunay na pag-ibig.
The post Kiray Celis, may nakakatawang rason bakit Gold Necklace ang gusto nyang matanggap sa kanyang boyfriend para sa kanyang kaarawan appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments