Paano mo nga ba gustong ipagdiwang ang kaarawan mo? Nakasanayan na natin na sa tuwing tayo ay magdiriwang ng ating kaarawan, sigurado ang kainan, inuman, kantahan o sayawan. Pero dahil na rin sa C0VlDl9 p@nd3m!c, naging limitado ito dahil sa hindi muna ito pinapayagan sa mga guidelines lalo na sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Kaya naman, iba ang naging pamamaraan ng aktor na si Troy Montero sa kanyang kaarawan. Imbis na magdiwang ay mas ginugol ni Troy ang kanyang kaarawan sa pakikipagbonding sa kanyang pamilya.
Makikita sa larawan na busy si Troy kasama ang kanyang partner na si Aubrey Miles at ng kanilang baby na si Baby Rocket.
Busy si Troy sa pag-aayos at pag seset up ng kanilang Vegepod garden. Naging hobby at interest na din ngayon ni Troy ang pag-aalaga at pagsasaayos ng kanilang garden at mga halaman. Kaya naman, ginugol talaga niya ang kanyang espesyal na araw sa pagsasaayos ng mga ito.
“Spent the rest of my Birthday in the backyard setting up our Vegepod garden. Thanks to my two cuties for helping out. 
Planning to upload my Vegepod build video soon! @milesaubrey @rocketmiller01 @vegepod.ph @vegepod #vegepod,” saad ni Troy sa kanyang IG.
Buti na lang at katulong ni Troy ang mga napakagagandang babae sa kanyang buhay, si Aubrey at si Baby Rocket. Makikita sa mga videos na tila kinukulit ni Baby Rocket si Troy.
Napakahalaga nga naman ng urban gardening. Dahil na rin nasa siyudad ang mga bahay, napakahirap maghanap ng mga fresh vegetables kaya kung ito ay sarili mong tanim, sigurado ka na malinis ito at walang halong kem!kal.
Good job nga naman ito kina Troy at sa kanyang pamilya. Maganda din na habang bata si Baby ay inoorient na siya sa mga ganitong bagay na pang agrikultura.
The post Troy Montero, simple pero kakaiba ang naging paraan ng pagcelebrate ng kanyang kaarawan appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments