Nakilala ang tambalang EnRich sa ABS CBN. Sila ang isa sa mga love team na talagang tinilian at sinundan, ang mga artistang Erich Gonzales at Enchong Dee.
Isa sa mga tatak nilang teleserye noon na talagang inabangan ng lahat ay ang “Katorse” na kung saan ipinakita nito ang buhay ng pagiging batang ama at ina.
Sa paglipas ng kanilang showbiz career, naging flexible ang dalawa sa trabaho. Nakuha na nilang matambal sa iba’t ibang mga kapareho na bahagi naman ng showbiz. Pero, sa kabila nito naging matalik na magkaibigan naman ang dalawa.
At dahil isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Erich ay ang kanyang vlog. Bisita niya ngayon sa kanyang vlog ang kanyang best friend na si Enchong Dee.
Sakay ang sasakyan ni Enchong, ipinakita ni Enchong ang kanyang sasakyan at ang laman nito. Mula sa mga gamit niya sa loob ng sasakyan at mga basic needs na lagi niyang dala dala lalo na ngayong panahon ng p@nd3my@ na mahalaga ang sanitation.
Matapos naman ito, nagkwentuhan naman ang dalawa. Isa sa mga pinagusapan nila ay ang buhay love life. Ayon kay Enchong, masaya naman siya bilang single. Last year daw nang huli itong makipag date pero naniniwala siya na darating ito.
Samantala, nabanggit din ni Enchong na 10 years from now, choices niya kung itutuloy pa ba niya ang kanyang showbiz career o magpokus sa business o ambag sa bansa.
Ilan din sa mga naging realizations niya ngayon ay ang pagiging mapagpasalamat sa mga blessings na natatamasa at maging mapagmahal sa bayan.
Kilig na kilig naman ang mga netizens dito na makikita sa kanilang mga pahayag.
“Super kilig kaayo ko ninyo saona kito inyong teleserye..

”
“hi! nene and jojo
happy to see you both
””I mis ur teleserye before katorse subrng relate much ako duon. Love u both

””E.G,: Hoy…. Ang pogi pogi mo nman dito.. E.D.,: thanks my love. Aba… Aba…. 


”
“Bagay na bagay talaga tong dalawa. Kakakilig. Sana sila talaga ang magkatuloyan.”
“magkahawig pla Erich ni Enchong Dee,,,,kayong dalawa pla ang mgkabagay na mgkasama…”
The post Erich Gonzales nakakatuwa ang ginawang car raid sa kanyang kaibigan na si Enchong Dee appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments