Sino ba ang hindi nakakakilala sa napakagaling na rapper na si Gloc-9? Mula sa kanyang mga s@pul s@pul na mga raps at mga awitin ay talagang mabibilib ka. Mas randam na ramdam mo nga naman ang iyong pagka Pilipino sa kanyang mga awitin.
At ngayon, isa sa mga pinagkaka-abalahan ngayon ni Gloc-9 ay ang kanyang online selling shop ng mga pagkain gaya ng fried chicken, biko, menudo at maging kanyang mga jerseys. Pinangalanan pa niya ang kanyang fried chicken na “Fried Chicken ni Gloc-9”.
Makikita ang kanyang mga produkto sa kanyang Facebook page na siguradong napakaraming mga followers. Napakagaling pa niya dahil dinedescribe at sinasales talk niya ang kanyang mga produkto sa pamamagitan ng pagra-rap.
Apektado man ang industriya ng showbiz at ang pagtugtog sa panahon ngayon. Mas mahalaga ay naghahanap ng alternative kung paano nga ba tayo kumita at kumayod.
Hindi rin daw nakaligtas si Gloc-9 sa pag usisa at pagtatanong kung bakit siya nagbebenta. “May nagtanong sakin ‘Idol, bakit ka nagbebenta ng kung ano-ano? Hindi bagay sayo,” kwento niya.
Sagot naman niya,”Tol, wala namang masama siguro doon ‘di ba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag-rap ay maglinis ng basurahan, kubeta at kanal?”
Bago pa man naging sikat na rapper si Gloc-9, marami na rin siyang napagdaanan mula sa paglilinis ng basurahan at kvbeta, pero dahil sa sipag, tiyaga at kanyang talento ay naabot niya ang rurok ng tagumpay.
Kaya naman, ngayong p@nd3mya ay naging madiskarte at praktikal din si Gloc-9. Nagbigay din siya ng mensahe sa ating mga kababayan,
“Tandaan niyo mga kababayan, iba na ang panahon natin ngayon. Kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! APIR!!!”
The post Gloc 9 sinagot ang tanong ng kanyang fan sa kanya na ““Idol bakit ka nagbebenta ng kung ano ano? Hindi bagay sayo.” appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments