Saan man tayo dalhin ng tadhana, iba pa din ang makauwi at bumalik sa iyong hometown. Malayo man ang iyong pinanggalingan, gugustuhin at gugustuhin mo pa rin ang umuwi at magbaliktanaw.
Isa nga naman ang pagbabaliktanaw sa mga maaalala mo kapag ikaw ay umuuwi ng probinsya. Ito ang lugar kung saan ikaw ay isinilang at naganap ang lahat ng mga major events mo sa buhay. Dito mo naranasang maglaro, at magkaroon ng kaibigan at barkada.
Iyan nga naman ang pakiramdam na ikaw ay nasa pinanggalingan mong bayan.
Ang asawa ni Senator Manny Pacman Pacquiao ay talagang natutuwa matapos niyang makauwi sa kanilang probinsya sa Saranggani kasama ang kaniyang nga anak.
Matagal tagal na rin nang sila ay umuwi dito, kaya ngayong sila’y nakauwi ay tila nagbalik tanaw si Jinky sa mga nakaraan niya.
Makikita sa kanyang IG na kasama niya sa larawan ang kanyang dalawang anak na babae na nakasakay sa kalabaw o tawagin ay kariton. Ang kwento nito ay naibahagi din ni Jinkee sa IG.
“Ang “kariton” (bow) Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakabalik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako , kung saan ako lumaki at nag aral ng elementary. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon.
Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. ,” masayang kwento ni Jinkee.
Pinapaabang din ni Jinkee sa kaniyang Youtube channel ang mga video ng kanilang pagsakay. “Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot! Abangan po ang video part #1,2 and 3 sa youtube channel ko. Ang saya saya promise!
#karitonsabisaya #gratefulforeverything #Godisgoodallthetime
#starringangdriverclassmatekosaelementary,” kwento pa niya.
Nakakatuwa na sa kabila ng kanilang kasikatan at yaman, ay hindi pa rin nalilimutan ni Jinkee na bumalik sa kanilang pinanggalingan.
The post Jinkee Pacquiao, masayang nakabalik sa Saranggani kung saan sya nag aral ng elementary appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature

Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot!
Ang saya saya promise! #karitonsabisaya
#gratefulforeverything #Godisgoodallthetime #starringangdriverclassmatekosaelementary
No comments