Kapag narinig mo na nga naman ang mga pangalang Ronnie Alonte at Loisa Andalio, talaga namang abot langit ang ngiti sa kilig lalo na ng kanilang mga fans.
Kilala silang dalawa lalo na sa kanilang mga napakagaling na talento sa pagsayaw. Sila ay parehong bahagi ng mga boy at girl group na sumasayaw sa It’s Showtime. Bukod dito, sila ay bumida na rin sa iba’t ibang mga teleserye at pelikula. At talaga namang todo ang suporta sa kanilang tambalan.
Hindi na rin naman nakapagtataka, dahil on screenman o off screen, ay walang pinagkaiba ang kanilang kilig at pagmamahalan sa isa’t isa. Ang real life couple na ito ay talaga namang mas kinabibiliban pa ng marami dahil sa kanilang matibay na pagsasamahan.
Kaya naman, sa isa nilang IG post ay talaga namang marami na naman ang kinilig at naging talk of the town ito.
Sa caption na “Buhay Probinsya”, makikita si Ronnie at Loisa na magkasama sa isang napakaaliwalas na paligid. Tila isang bukirin na punong puno ng mga puno at halaman.
Buhay probinsya talaga dahil magkasama silang umuwi at nagbakasyon muna sa probinsya.
Lalo na sa mga artistang kagaya nila, ang panahon na ito na nasa p@nd3my@ ay naging break na rin sa kanila.
Kaya naman, ginugugol na rin nila ang oras na ito nang magkasama at magstay muna sa probinsya.
Napakasarap nga din naman mabuhay sa probinsya. Mula sa masarap na simoy ng hangin at sa tahimik, payapa at payak na pamumuhay ay talaga namang gugustuhin mo ito.
Paano pa kaya kapag ang buhay mo sa probinsya ay kasama mo pa ang pinakamamahal mong kasintahan? Solve na solve na diba?
Todo naman ang kilig ng mga netizens sa kanilang mga komento:”Ilove Loisa andalio Simple but beautiful” “I like this tandem, gogogo Loimie, be strong.” “Ronnie and loisa sana forever n kayo ang magkatuluyan i love your tandem, your so sweet. ” “Thanks poloinie super sweet”
The post Loisa Andalio, masaya ang naging stay sa probinsya kasama ang kasintahan nyang si Ronnie Alonte appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments