Maaalalang nag maternity leave pa ang isa sa mga TV Host ng It’s Showtime na si Mariel Rodriguez-Padilla upang magtungo sa United States at doon manganak.
Isa sa mga inupload niyang video sa kanyang Youtube Channel ay ibinahagi ni Mariel ang naging istorya, preparasyon at pinagdaanan niya sa panganganak. Pagkatapos na mag labor sa loob ng anim na oras, successful naman ang kanyang pangangak sa kanyang second baby na si Gabriella noong November 15, 2019.
“I knew it wasn’t going to be easy that Robin and I weren’t going to be together when I deliver Gabriela but we decided to make some sacrifices for our kids. During labor all I can think of is Isabella and Robin, all moms out there understand why. I am now sharing it with you guys because I want you to see the beauty above all the pain of giving birth. We are the happiest baby Gabriela. Thank you for being such a good girl,” sinulat ni Mariel sakanyang caption sa Instagram account
“You all have been with me since the gender reveal then the baby shower and you’ve witnessed all my struggl3s with my pregnancy but now I am so excited to welcome another beautiful blessing to pamilya Padilla. Thank you everyone for the support and love that my family receives, to my dad who was really there throughout the whole thing and to Robin Thank you so much!,” dagdag pa nito.
Sadyang mabilis nga naman ang panahon, dahil sa latest vlog ni Mariel ay nag upload siya ng 6th months celebration ni Baby Gabriela. Dahil nga we are embracing the new normal, naganap ang virtual party sa pamamagitan ng Zoom.
Kamakailan lang ay nagpost ang aktres sa kanyang instagram habang pinakita kung paano siya nag prepare sa celebration na ito. Humingi siya ng tulong sa mga events expert sa pamamagitan ng video conference.
“Happy 6th month Gabriela. We are embracing the new normal but that won’t stop me from celebrating my children’s milestones,” sabi pa ni Mariel sa kanyang caption.
Nagdecorate si Mariel at nagdesign at naghanda rin ng masasarap na pagkain. Ang ilang mga artista ay invited sa party na ito kagaya ng anak ni Toni Gonzaga na si Seve, sina Lucia at Carmen na anak ni Bianca Gonzales, ang kanyang kapatid na si Kaye at ilang mga pamangkin, si Kylie Padilla na anak ni Robin at marami pang iba.
The post Mariel Padilla, nag handa ng bonggang 6 month celebration ng kanilang anak na si Gabriela appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments