Isang malaking responsibilidad ang pag-aalaga ng isang sanggol. Kailangan ang oras at dobleng pag-iingat sa pag-aalaga. Kailangan lagi kang naka monitor sa mga bawat galaw ni baby para maiwasan ang kahit anong klase ng @ks!d3nt3 o di kanais- nais na pangyayari.
Totoo namang nakakapagod talaga ang mag-alaga ng bata. Maaaring ikaw ay mapupuyat at talagang mauubusan ng lakas pero siyempre mas mangingibabaw pa din ang pagmamahal ng magulang sa pag-aalaga nito.
Bahagi ng pag-aalaga ay ang pagkakarga sa bata. Lalo na kung ilang buwan pa lang, ay madalas talaga itong binubuhat. Kung siya man ay umiyak, isa sa mga unang gagawin natin ay kargahin at patahanin siya sa kanyang pag-iyak.
Kaya naman, ang first time dad na si Erwan Heusaff, asawa ni Anne Curtis ay may ipinakitang video sa IG kasama ang kaniyang anak na si Baby Dahlia.
Dito ay ipinakita ni Erwan ang iba’t ibang mga style na pwedeng gawin kung paano nga ba kakargahin si baby. Bagamat ito’y ligtas, para lamang ito sa mga nagsasanay at sa mga bata na nasa 5 buwan pataas na matibay na ang kanilang mga buto.
Ilan sa mga ipinakitang style ni Erwan ay handbag, sn!per at facemask style na kung saan makikita mong komportableng komportable naman si Baby at di man talaga siya umiiiyak.
Pero, sa IG caption ni Erwan, malamang daw ay hindi approve ni Anne ang kanyang pinost na ito. Nakuha pa niyang i tag ang kanyang brother-in-law na si Nico, asawa ni Solenn.
“@nicobolzico forgot some. So disappointing. This message was not approved by Dahlia’s mom by the way, if you don’t hear from me in 3 days. Send help,” saad ni Erwan sa kanyang IG.
The post Nakakatawang komento ni Anne Curtis sa IG post ni Erwan Heussaff sa kanyang pagtuturo ng Baby Handling 101 appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments