Home Top Ad

Responsive Ads Here

Tignan ang napakagandang pamilya nina Isabel Oli at John Prats na malapit ng maging family of 5

Share:




Parang kailan lang ng mag trending ang napakabonggang Dance Wedding Proposal ni John Prats kay Isabel Oli, na ngayon ay Isabel Oli-Prats na. Kung dati, ay sila lang dalawa, aakalain mo bang ngayon ay apat na sila sa pamilya. Mayroon na silang little Isabel at little John dahil isang lalaki at isang babae ang kanilang anak.


At ilang araw na lang, muli na silang madadagdagan at magiging lima na sa pamilya dahil paparating ang panibagong blessing sa buhay ni Isabel at John Prats.




Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Talaga namang excited ang lahat sa pagdating ni baby. Siyempre, mas excited ang kaniyang mga magulang lalo na at may panibagong baby na ulit sa pamilya.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Makikita mo nga naman sa larawan na pinost ni Isabel sa kanyang IG ang tuwa sa kanilang pamilya. Sa ngayon, 35 weeks ng buntis si Isabel at ilang araw na lang ay inaasahan na ang kanyang panganganak.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Pero, sa kabila nito ay nakuha pang mag pictorial ng pamilya bago sila madagdagan ng ika limang miyembro.”Joyously anticipating.Few more days and we will be 5Set design:@flourishandfrills:@naomiprats#35weeks #PreggyLiv Hair and makeup: #PrattyTV,” saad ni Isabel sa kaniyang IG.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Bagay na bagay nga naman kay Isabel ang kaniyang white dress. Kitang kita din ang baby bump ni Isabel. Buntis man ay syempre walang kupas ang kanyang ganda na talaga namang nagpabighani kay Pratty.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Manang mana naman ang mga chikiting sa kanilang mommy and daddy. Talaga namang napakagaganda at gwapo ng pamilyang ito.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Isa nga naman sa mga kinabibilibang celebrity family ay ang pamilya ni John at Isabel dahil makikita mo nga naman ang pagmamahalan at kagalakan sa kanilang pamilya.




Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Maging mga fans at netizens ay excited na rin sa pagdating ni baby. Sino kaya ang magiging kamukha ni baby, si Pratty o si Isabel?

The post Tignan ang napakagandang pamilya nina Isabel Oli at John Prats na malapit ng maging family of 5 appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

No comments