Opisyal ng “mom of 2” si Bangs Garcia matapos ianunsyo na siya ay nanganak noong July 21, alas nwebe ng umaga.
Isang healthy baby girl ang kaniyang iniluwal na si Baby Isabella. Makikita sa larawan na naging maayos at ligtas ang panganganak ni Bangs kay baby at walang problema sa mismong baby.
Siyempre, una ng masaya dito ang kanyang mapagmahal na asawa na si Lloyd Birchmore. Lahat ng suporta ay ibinigay ni Lloyd kay Bangs. Todo ang alaga at alalay ni Lloyd kay Bangs kaya naman walang aberya at naging smooth ang panganganak ni Bangs.
Kwento naman ni Bangs, magkasing timbang si Isabella at ang kanyang ate na si Amelia nang siya ay ipinanganak. Magkaparehong magkapareho ang kanilang timbang, what a coincidence hindi ba?
“Happy Birthday, Isabella!!!
Born on 21st July 2020 at 9:30am weighing 7.8 lbs. ( exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born
)
#IsabellaBirchmore,” saad ng IG caption ni Bangs na masayang ibinahagi ang kanyang panganganak sa atin.
Siyempre, siguradong excited din si Baby Amelia na sya ay ate na. Magkakaroon ng kalaro si Amelia lalo na at pareho pa silang babae. Tiyak na magkakasundo silang dalawa.
Matatandaang inanunsyo ni Bangs ang kanyang pagbubuntis noong Pebrero saktong Valentines Day. Dito na rin naibahagi ni Bangs na baby girl ang kanilang susunod na baby.
Ipinakita din ni Bangs sa atin ilang araw bago ang kanyang panganganak ang pagpapapicture ni Bangs sa same spot kung saan siya nag papicture bago siya manganak kay Baby Amelia.
Napakabilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang nang si Baby amelia ang naipanganak ni Bangs at ngayon ay panibagong prinsesa ang naisilang na siguraodng magpapasaya din sa kanilang pamilya.
Tuwang tuwa naman ang mga netizens at nagpaabot din ng pagbati ang mga netizens sa panganganak ni Bangs.
The post Valerie Garcia-Birchmore, isinilang na ang kanyang pangalawang anak na si Baby Isabella appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments