Sa isang Instagram post ng aktor na si JM DeGuzman noong ika-9 ng Agosto, siya ay naghatid tulong sa mga Locally Stranded Individual o LSIs sa Manila North Harbor. Namahagi siya ng bigas, canned goods at iba pa.
“Our friends who are str@nded because of mcq still needs 50 hammocks (duyan). pm me or @ejaymiranda for donations,” “Thanks @sharlgo for the face masks . and phil coast guard.”
Ito ang nakasaad sa nasabing Instagram post ng aktor.Ibinahagi rin ng aktor kung paanong maaring makatulong sa mga LSIs sapagkat lubusan pa silang nangangailangan. Ani niya ay maaaring magpahatid ng tulong Kay EJ Miranda (@ejmiramda).
Si Miranda ang nangunguna sa pagtulong sa proyektong ito sa tulong na rin ng Philippine Coast Guard sa pamimigay ng mga donasyon.Matatandaan na noon lamang mayo ay namigay rin ng tulong ang aktor para sa mga naapektuhan ng l0ckd0wns at community quarantine bunsod ng C0Vld, kung saan natulungan niya ang dalawang barangay ng Rodriguez at mga PWD doon.
Ang kapamilya actor, singer, model at mix martial artist ay tuloy-tuloy ang pagtulong sa gitna ng kinakaharap na p@nd3mya ng bansa. Sa katunayan isa ring Air Force Reservist Pamilya-Ko Actor na si JM De Guzman. Siya rin ay nagdaan sa Marksmanship Training Course.
Ngayong qu@rantine, hindi lamang pagtulong sa pamimigay ng donasyon ang inaatupag ng aktor. Nag-post din ang aktor ng isang video sa kaniyang Instagram account habang kumakanta ng isinulat na kantang may pamagat na “A Prayer”. Kaakibat ng post ay ang caption na:
“Sinubukan ko pong magsulat ng kanta/dasal dahil ang mga nakaraang araw nahirapan akong itawid… at ihandle.” Lubusang humanga ang ilang netizens sa talento ng aktor.
The post Aktor na si JM De Guzman,namahagi ng mga pagkain at duyan para sa mga kababayan nating stranded sa pier appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
thanks @sharlgo for the face masks . and phil coast guard.
No comments