“Fashionista” yan ang isa sa mga salitang makakapag lalarawan sa Kapuso actress na si Heart Evangelista. Sa kanyang mga vlogs, minsan ng ipinasilip ni Heart ang kanyang closet kasama ang kanyang mga koleksiyon na bags. Sa kabila ng kanyang katayuan sa buhay ay nananatili pa rin siyang humble kaya naman maraming mga fans ang humahanga sa kanya.
Kamakailan lang ay nag post si Heart sa kanyang Instagram account na suot-suot ang isang floral dress na may black mesh at nude color na heels.
“Ukay-Ukay shopping: Sorsogon edition.
I completed this look for only P270! I vlogged about this whole experience so watch out for my Youtube upload.
#MahalKongSorsogon”
Napa WOW naman ang mga netizens at hindi makapaniwala na ang suot na outfit ni Heart ay nabili sa ukay-ukay. Paniguradong marami ang nag-aabang sa kanyang upcoming vlog patungkol dito.
Pinapatunayan ni Heart na hindi kailangan ng mamahaling damit o mga branded para makapag flaunt ng outfit.
Narito naman ang ilang mga komento na natanggap ni Heart sa kanyang post,
“Galing talaga ni maam Heart..Lodi kapag kayo nagsuot kahit ukay nagmumukang expensive””So pretty! Grabe! Nagmukang brandnew designer dress yung ukay.”
“Convinced na. Kahit basahan pa ang ipa suot sayo, magmumukhang mahal.”
Sa isa pang post ni Heart sa kanyang Instagram, nag flex naman siya ng isa pang outfit na kanyang nabili rin sa ukay-ukay.”Playing dress up with our ukay finds!
Guess what? My top and @khinoocenar’s dress were both 20 pesos each!
#MahalKongSorsogon”
Kung mapapansin ay laging mayroong hashtag na Mahal kong Sorsogon ang kanyang mga post dahil nitong nagdaang araw ay inannounce ni Heart na mayroon siyang gagawin na home decorations gamit ang mga handicrafts na nanggaling sa kanyang probinsiya na Sorsogon.
Patuloy siyang nakipag collaborate sa mga artisans at gumagawa ng mga kurtina, placemats, coasters, bags, at marami pang ibang home accesories na naggaling pa sa indigenous materials katulad ng pili nuts.”So happy with how my little project turned out. And of course, I made sure to utilize Sorsogon’s treasures so our pili curtains are just cherry on top,” sabi pa ni Heart sa kanyang caption.
The post Heart Evangelista, pinahanga ang mga netizens dahil sa kanyang outfit na nabili sa ukay ukay na nagkakahalaga ng PHP270 lamang appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments