Walang edad pagdating sa edukasyon. Hindi hadlang ang katandaan para matuto at makapagtapos sa pag-aaral. Ang mahalaga ay ang kaya at nais nating matuto at makatapos.
Kaya naman, marami ang humanga sa kagalingan na ipinakita ni Lola Violeta Mendoza. 69 taong gulang na si Lola Violeta na nagtapos ngayong taon sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in Special Education (SPED).
Nakakamangha nga naman ang sipag at dedikasyon ni lola. Hindi naging hadlang sa kanya ang kanyang edad o katandaan para makapagtapos sa pag-aaral.
“FINALLY, at the age of 69 I’m now a graduate. I thank GOD for his guidance and for giving me good health to achieve my dreams to become a teacher,” saad ni Lola Violeta sa kanyang Facebook post na lubos na nagpapasalamat sa Diyos na siyang naging sandigan niya na maabot ang kanyang mga pangarap.
Hindi man nagtapos si Lola Violeta nang siya ay bata pa. Ang mas mahalaga ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at maaari pa niyang ibahagi ang kanyang natutunan sa mga susunod na henerasyon.
Mahirap nga naman ang makapagtapos sa pag-aaral mula sa pinansyal na pangangailangan at maging sa mga trabaho at responsibilidad na naka atang sa iyo bilang isang estudyante.
Isang huwaran si lola para sa ating lahat na huwag sumuko sa anumang laban sa buhay. Inspirasyon din ito lalo na sa mga nag-aaral pa na magpursigi sa pag-aaral para magtagumpay sa buhay.
Manghang mangha naman ang mga netizens kay lola. Narito ang kanilang nga pagbati.
“Congrats age is not a hinder to fulfill your ambition keep it up””habang may Buhay may pag asa.. Congrats po Lola 
””Bka makaya ko din to

sana..btw, Congratulations! po..””Congratulations for making ur dreams achieved!!!””Same here with you po. I finished college @age 50. With 9 grandkids already. #were on the same boat, then. Congrats po”
The post Isang Lola, masayang nakatapos ng kolehiyo sa edad na 69 taong gulang appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments