Lahat tayo ay may kani-kaniyang galing. Gaya na lamang ng galing sa sining at pagdidisenyo. Nakakabilib nga namang makita ang mga tinatawag na visual artist.Isa na rito ang trending na trending ngayon na si Pedro Angco Jr. Isa siyang artist mula sa Baclayon, Bohol. Ibinahagi ng netizen na si Kien Alphe Garsuta ang kwento ni Mang Pedro.

Makikita ang kanyang mga obra maestra na talaga namang napaka malikhain. Ibang iba nga naman ang gawa ng kanyang mga kamay at ang kagandahan pa ay gawa pa ito sa recycled materials.
“We did not expect na makaka- meet kami ng isang unique artist. Na-amaze kami sa mga artworks po niya kasi ang mga raw materials na gamit po niya is made from ocean trashes,” saad ng netizen na si Kien.

Talaga palang napakataas ng respeto at pagmamahal ni Pedro sa kalikasan. Siya mismo ang namumulot ng mga basurang tsinelas, sandals at mga lubid sa tabing dagat.Matiyaga niya itong pinulbos gamit ang lagare at kutsilyo. Dalawa hanggang limang araw pa ang inaabot ng paggawa nito. Ito ang sining na mixed media kung tawagin.

“Waste is precious, waste is a raw materials,” napatunayan nga naman ito ni Pedro sa kanyang mga gawa. Ang kagandahan pa ay nakakatulong ito sa kanya dahil binebenta niya ang kanyang
mga obra.

Bilib na bilib din ang mga netizens sa kanya:
“It is not what you have that makes you, it is what you do with what you have.More blessings po sa inyo, Manong!””Napakamakabuluhang sining at pagkalinga sa buhay. Marapat na ITAGUYOD sa pagmamahal sa kalikasan ang RECYCLED ARTS.”
“Art is anything made or done by man where we can see beauty in it…good job tatay God bless you more , galing nyo po!
””Amazing talent!..sana dumami pa ang tulad mong marunong magmahal at magpahalaga kalikasan. God Bless you po!”

“he should be given RECOGNITION from our local or even national government ….. environmental awareness is being observed and uplifting the talent and creativity of a local Filipino artist!!¡ MABUHAY KA TATAY!!!!”
The post Isang napaka unique na artist na si Pedro Angco Jr, gumagawa ng kanyang obra gamit ang mga basura sa tabing dagat appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments