Kilala si Kuya Kim Atienza sa kanyang galing at talino. Napapanood natin siya noon sa TV Patrol sa weather update at maging sa It’s Showtime na nagbibigay ng mga updates at trivia sa atin. Hindi ba’t napakagaling talaga niya?
No doubt na nagmana din sa kanya ang kanyang mga anak lalo na ang kanyang panganay na anak na si Jose. Kaya naman, bago umalis at lumipad ang kanyang anak patungong United States para mag-aral ng kolehiyo ay nag bonding muna sila.
Noong Huwebes, Agosto 19 ay ibinahagi ni Kuya Kim ang mga larawan nila ni Jose sa kanilang IG na makikita na nag bonding silang dalawa sa Philippine Navy Golf Club in Taguig.Tatlong araw mula noong Huwebes ay aalis na ang kaniyang anak patungong Boston para mag-aral. Kaya naman, quality time ang ginugol ni Kuya Kim kasama ang kanyang anak.
“Spent the whole day with this boy three days before he leaves me for university in Boston,” saad ni Kuya Kim sa IG caption.
Matagal na rin daw hindi naglalaro ng golf si Kuya Kim, halos 25 years na rin siyang hindi naglalaro pero pinili niyang maglaro ulit ng golf para maka bonding ang anak.
“Today was the best golfing day in my life and it was not because of golf. I will miss you @jhatienza,” dugtong pa ni Kuya Kim.Nagtapos si Jose ng kanyang highschool sa International School Manila in Taguig noong Mayo sa kabila ng p@nd3myang atin nararanasan ngayon. Kaya naman, tuloy na tuloy na din ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Noong 2019, nagaral si Jose sa pagiging piloto sa Leading Edge International Aviation Academy sa San Fernando City, La Union.
Noong June, lumipad siya sa Baler, Aurora para makita si Mayor Rhett Angara at nag donate ng mga medical supplies. Kaya naman, lahat ay nakaabang sa kanyang magiging journey sa US.
The post Kuya Kim Atienza, masayang nakipag bonding sa kanyang anak na si Jose bago ito tumulak sa Amerika para mag-aral appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments