Matagal ding hinintay ng mag-asawang basketbolistang si Jimmy Alapag at aktres na si LJ Moreno ang kanilang first baby.
Noong 2014, inanunsyo nila na officially pregnant na si LJ. At laking tuwa nga naman ang lahat dahil nagsunod sunod na ito at ngayon ay mayroon na silang 3 lovely kids.
At ngayon, isang magandang balita ang dumating sa atin dahil muling buntis si LJ sa kanilang ika apat na anak.
Makikita sa IG at vlog nila ang reaksyon ng pamilya lalo na ng kanilang mga anak na sina Ian at Keona nang malaman nila na buntis ang kanilang mommy LJ.
“Soooo THIS is why my number on Gilas was #4…” saad ni Jimmy sa Instagram.
Sa video, makikita na ipinakita nila ang pregnancy test sa dalawa nilang anak. Noong una ay di nila malaman kung ano ito. At nang ipaliwanag na ni LJ ang ibig sabihin ng dalawang guhit.
Talagang walang malagyan ang tuwa nilang dalawa nang malaman nila na may bago silang kapatid. Sigaw ng sigaw at talagang naghihihiyaw pa ang dalawa ng malaman ito.
Samantala, talagang na shock din naman mismong si Jim nang ibalita ito sa kaniya ni LJ.
“I think shocked is the best word but at the end of the day it’s an absolute blessing,” pahayag niya.
Natupad nga daw ang wish ni Keona na magkakaroon ng kapatid. Bagamat hindi pa alam ang gender ni baby, wish ni Keona na babae ito para daw maging pantay ang 3 lalaki sa bahay at maging 3 babae din sila ng kanyang mommy.
Pero, kahit ano pa man masayang masaya sila na sila ay magkakaroon na ng bagong kapatid. Lubos din ang saya ng mga netizens para sa kanilang dalawa.
“Congrats alapag family
…stay safe..godbless”
“Wow dati umiiyak pa si Lj kasi wala pa sila baby ngayon sunod2 congrats!”
“Congratulations to both of you idol be safe always to you and your family”
The post Mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag, magkakaron na ng kanilang pang 4 na anak appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments