Nakilala si Nadine Samonte sa GMA talent competition na Starstruck. Matapos nito ay sumabak si Nadine sa showbiz at nakilala sa kanyang galing sa pag-arte. Hanggang sa makilala niya ang taong nagpatibok ng kanyang puso, ang kanyang asawang si Ryan Chua at ngayon ay mayroon na silang anak na si Heather.

Sa ngayon, masayang masaya si Nadine sa kanyang pamilya. Makikita sa mga IG posts ni Nadine kung paano niya ineenjoy ang kanyang buhay kasama ang asawa at anak.

Makikita sa mga posts ni Nadine kung paano niya tinuturuan si Heather ng mga gawaing bahay. Isa sa mga posts nito ay ang pag cacar wash nila na sama sama.
“Walang carwash? No problem we got this. “Basta sama sama at nagtutulungan lahat magagawa at malalagpasan. Sa mga hindi po nakakakilala sakin cowgirl po talaga ako hehe,” saad ni Nadine sa IG.

Makikita naman sa ibang mga pictures at videos na magkasamang naglalaba si Nadine at Heather. Gusto daw talaga niya na habang bata pa ay natuturuan na ang kanyang baby.

“What a wonderful morning with my little Heather she is so sipag I let her do chores na din para at an early age marunong na siya at natuturuan na. That’s the reason din kung bakit wala ako sa showbiz I’m enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam. I love doing anything for them,” paliwanag pa ni Nadine.
Kaya naman, maging mga netizens ay bilib na bilib sa kanya dahil sa kanyang pagiging simple at praktikal na ina at asawa.

“I admire you Ms Nadine for being a hands-on mommy & being a role model to your kids.””True! It is so amazing to spend time with our little ones. I’ve been working since I had my children and just because of this p@nd3m!c I lost my job, financially challenging but emotionally satisfying to see my loves grow.”

“Bless you as of now halos wala ng work sa showbiz, good for you you choose to be a simple housewife so rewarding lalo na sa mga anak mo.”
The post Nadine Samonte, pina Wow ang mga fans dahil sa pagiging simple at praktikal na asawa at ina sa kanyang pamilya appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments