Naging masaya ang lahat ng mabalitaan na opisyal ng buntis ang aktres na si Ryza Cenon sa kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz.Marami ang excited sa gender reveal at kung sino ba ang magiging kamukha ni baby. Siyempre, lahat ay nagwiwish ng healthy baby para sa kanila. At ngayong pregnancy stage ni Ryza, todo ang alaga ni Miguel sa kanya.
Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Ryza kay Miguel sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya. Narito ang mga palitan ng kanilang mga mensahe sa isa’t isa. Mababasa ang kanilang mga sweet messages sa isa’t isa.
“Flex ko lang sa katabi ko. Dada thank you for everything. Sa mahabang pasensya sa mood ko.
at sa support mo sakin and lalo na sa love na binibigay mo samin ni baby boy. We’re lucky to have you super responsible mo sa lahat, kahit napaka busy mo sa work lagi kang andyan para samin. Thank you so much. We love you dada.
@miguel.antonio.cruz,” saad ni Ryza sa kanyang IG message.
Alam naman natin na mahirap ang pinagdadaanan ng isang buntis, ito man ay emosyonal o sa pisikal na aspeto. Kaya naman, todo ang suporta at pagmamahal ni Miguel sa kanya.
Maging si Miguel ay nagpost ng kanyang mensahe para kay Ryza na nagiging inspirasyon at motibasyon niya sa araw-araw.
“Thank you din sa walang sawa na pagsuporta sa akin. Sa lahat ng ginagawa ko and for being my daily source of inspiration and motivation. I love you both so much,” saad ni Miguel para kay Ryza.
Maaalala na noong Hulyo 1 ay inanunsyo ni Ryza sa social media na sila ay nag eexpect ng pagdating ng first baby nila ni Miguel. Dito ay nalaman nating lahat na 5 months pregnant na noon si Ryza.
Kaya naman, lahat ay excited na sa magiging baby ni Ryza at Miguel.
The post Ryza Cenon, nagpasalamat sa kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz sa pagiging responsable at sa pagmamahal na ibinibigay nito. appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
No comments