Home Top Ad

Responsive Ads Here

Tignan ang sweet na sweet ng picture ni Valerie Garcia-Birchmore at ng kanyang bunso na si Isabella

Share:

Ang pagdating ng bagong baby sa pamilya ay maituturing na blessing. Siguradong malaking tuwa ang naibibigay nila sa kanilang mga magulang sa pagsilang nila sa mundo. Ibang iba nga naman ang pakiramdam bilang isang magulang kapag makikita mo ang iyong mga sariling anak na naisisilang at lumalaki.



Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Gaya na lamang ng aktres na si Valerie Bangs Garcia. Masayang masaya na nga naman si Bangs sa kanyang pamilya.Makikita mo nga namang napakaganda ng pagsasama nila ng kaniyang asawang si Lloyd Birchmore. Sila ay nabiyayaan ng anak noon na si Baby Amelia.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

At ngayon, muli silang pinagkalooban ng anak. Iyan nga si Baby Isabella na ipanganak noong nakaraang linggo. Halos isang linggo na rin nang manganak si Bangs. Ibinahagi nilang mag-asawa sa IG ang laarwan ng kanilang baby na talaga namang napaka cute at napakaganda.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Siguradong isa sa mga pinakamasayang ina ngayon sa mundo ay si Bangs Garcia. Masaay si Bangs sa kanyang pamilya lalo na ang pagdating ng kanyang dalawang mga prinsesa na sina Amelia at isabella.

Sa IG post ni Bangs, ipinahayag niya kung gaano nga ba siya kasaya at natutuwa sa kaniyang mga anak.



Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

“Isabella, may you be my second or first daughter, it’s inconsequential because I love you and your big sister, Amelia equally from the depths of my heart & soul; nothing can and will ever change that!❤ #IsabellaBirchmore #8daysold,” pahayag ni Bangs sa IG.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Makikita naman sa post na kalong ni Bangs ang kanyang napakacute na baby Isabella. Manang mana si Baby Isabella sa kanyang mga magulang sa kanyang angking ganda at cuteness. No doubt naman ito dahil napakaganda din ni Bangs at ni Lloyd.


Super blessed din naman ang magkapatid na Amelia at Isabella dahil mayroon silang mapagmahal, maaruga at responsableng mga magulang. Nakaabang naman ang mga netizens sa mga susunod pang posts ng mag-asawa na larawan ni Baby Isabella.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram



The post Tignan ang sweet na sweet ng picture ni Valerie Garcia-Birchmore at ng kanyang bunso na si Isabella appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

No comments